Naghain si Senadora Imee Marcos na isang resolusyon para imbestigahan ang epekto sa bansa ng Pax Silica agreement.
Sa Senate Resolution 547 na inihain ni Marcos, nais niyang ipasiyasat ang inaasahang pagtaas ng demand sa resources ng tubig at kuryente at pangmatagalang epekto sa kapaligiran ng Pax Silica na planong itayo sa New Clark City, Capas, Tarlac.
Ang Pax Silica ay inisyatibo mula sa Estados Unidos na nagsusulong ng artificial intelligence (AI) at pag-secure ng mga gagamitin sa supply chain security tulad ng mga semiconductors at rare earth elements.
Sa resolusyon, pinakamalaking alalahanin ng ng mga environmental at scientific organization ay hindi ang teknolohiya kundi maraming suplay ng tubig at malaking suplay ng kuryente na kakailanganin para sa pagpapatakbo ng AI data centers.
Ang AI data centers at servers ay maglilikha din ng matinding init at kinakailangang mapanatili ang lamig ng mga kagamitan at matatag na suplay ng power sa buong araw.
Sabi ni Marcos, nangangailangan ang Pax Silica hung 130 milyong litrong tubig kada araw na katumbas ng suplay sa 600,000 households at tatlong gigawatts ng kuryente na katumbas naman ng 16 porsiyento ng Luzon grid capacity.
Maliban diyan, nangangamba din ang senador na posibleng magkulang ang suplay ng tubig at kuryente sa bansa, maapektuhan ang kabuhayan ng mga magsasaka, pagbagsak ng food security, pagkasira ng kalikasan at pagtindi pa ng mga climate-related risks.
Nauna nang sinabi ni Marcos dapat ipaliwanag muna ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa mga residente ang tunay na epekto ng proyekto bago ang anumang pagsukat o land acquisition.
Sabi sa mga ulat, umabot sa 1,600 ektarya ang maaapektuhan, kabilang ang lupang sinasaka ng 92 magsasaka at mga katutubong Aeta, kahit wala pang pampublikong konsultasyon.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

