Sugatan ang dalawang estudyante nang mauwi sa pananaksak ang rambulan ng ilang kabataan sa isang kalsada sa Davao City.
Sa isang viral video, ipinakita ang kaguluhan sa kalsada kung saan sangkot ang ilang kabataan, na karamihan nakauniporme.
Isang babae ang nagtangkang umawat ngunit nadamay sa komosyon at nadapa.
Ayon sa pulisya, nagsimula ang gulo nang saksakin umano ng isang grupo ang dalawang lalaking estudyante na pauwi na mula sa paaralan.
Nagtamo ng mga sugat ang mga biktima at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.
Nadakip naman ang anim na suspek na nasa edad 14 hanggang 16, at dinala sa Davao City Social Welfare and Development Office.
Sinabi ng prinsipal ng paaralan na dati nang may alitan ang dalawang grupo.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

