Hindi papayagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na makalusot at makalabas ng bansa ang nagbitiw na head coach ng Ateneo de Manila University na si Tab Baldwin.
Ito ang mariing inihayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla ngayong Biyernes, Hunyo 26, kung saan kinumpirma nitong magrerekomenda sila ng Hold Departure Order (HDO) laban sa banyagang coach.
“We will recommend an HDO,” maigsing pahayag ni Remulla sa isang press briefing sa Quezon City.
Ang hakbang na ito ay kasunod ng naging anunsiyo ng kalihim na inirekomenda na ng Criminal Investigation and Detection Group ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Baldwin at 10 iba pa.
Mahaharap ang grupo sa paglabag sa Republic Act No. 11053 o ang Anti-Hazing Act.
Nag-ugat ang kaso sa sinapit ng dalawang Ateneo cagers na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Matatandaang binawian ng buhay ang dalawang basketbolista sa gitna ng training activity sa baybayin ng Dipaculao, Aurora nitong unang bahagi ng buwan.
Trending
- Ateneo , nag-sorry sa pamilya ng nasawing athletes
- Cebu City napiling host ng FIBA Women’s Asia Cup 2027, official logo inilabas na
- Pagkilala kina Eala, Obiena, at Yulo, inihain sa Senado
- Suntay, Topacio masisibak sa pagka-abogado sa Anne Curtis ‘nag-init’ isyu
- Resto inireklamo sa ‘dog meat’ menu
- Drug dealer patay sa police ops
- 2 stude sugatan sa rambulan
- Tennis academy itatayo sa CamSur Uptown

