Itsura ng cheering squad ang suporta nina Edu Manzano at Jolina Magdangal sa mag-jowang sina Janine Gutierrez at Jericho Rosales.
Kung hindi ba naman, kinakiligan ng mga netizens ang magkahiwalay na ipinost nina Jolina at Edu in support of the couple.
Ikinatuwa ng mga fans ang mga ipinost na photos ni Jolina habang nasa airport.
Papunta kasi ang mga ito sa Bacolod City.
Mula airport hanggang van ay magkatabi sina Janine at Jericho.
Compared to her past lovelife daw, tingin ng mga netizens–Janine has never been this happy.
Maging ang Instagram Reels ni Edu na tampok ang dalawa’y umani rin ng sandamakmak na kilig.
Hiling nga ng mga netizens, sana raw ay forever na ang sweetness nina Janine at Jericho.
May pagka-OA nga lang ang ibinigay nilang katwiran–hindi raw maimadyin ng mga ito na mauuwi sa hiwalayan ang “relasyon” ng dalawa.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

