Depensa ng ilang nangungutang, walang masama.
Kung ang bansa nga raw natin ay malaki ang foreign debt, mga mmamayan pa kaya?
Ito rin ang paniniwala ni Marian Rivera.
Herself already a financially stable and sound celebrity ay inamin ng GMA Primetime Queen na nangungutang din siya.
Many are, of course, are in disbelief!
Nakakabili ng mga mamahaling bags, pero nakukuha pang mangutang?
Binanggit ng aktres ang benepisyo ng pangungutang sa Home Credit na “tinakbuhan” na rin niya para sa kanyang mga pangangallangan.
Marian had to resort to this loan company to purchase iPad at cellphone para sa kanyang mga anak.
Kahit daw mga needs ng mga kasambahay nila’y ang takbuhan niya ay Home Credit.
Nasubukan na rin daw niya kasi ito, therefore ineendorso niya ito.
Katwiran niya, hindi raw naman siya mag-eendorso ng isang bagay if she hasn’t tried it herself.
Common sense na lang ‘yung ipaunawa sa isang mangungutang that to earn the trust and confidence of the lender, dapat ay marunong kang magbayad.
Siyempre, pag maganda nga naman ang credit line mo ay kasama ring tataas ang credit limit mo.
Sa madaling salita, ang utang ay binabayaran para makaulit sa inuutangan!
====
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

