Mismong si Ryan Bang na ang nagkumpirmang break na nga sila ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Paula Huyong.
Ito’y makaraan ng ilang buwan ding ispekulasyon as to their real score.
Sa YouTube vlog ni Vice Ganda, inamin ng co-host niya sa It’s Showtime na January pa this year ay single na siya.
Ani Ryan, sinubukan din naman daw niyang ayusin.
Pero noong mga panahong ‘yon ay hindi daw maintindihan ni Ryan: “Hindi dapat umabot sa ganoon. But I was trying. I was hoping, praying na maaayos.”
Kinlaro din ni Ryan that he never cheated on Paula, pero umaming may pagkukulang dito.
Dagdag ni Ryan: “Siyempre sa relationship, may kasalanan din ako.
“Pero hindi totoo na nag-cheat ako.
“Serious ako sa relationship namin!”
Despite their breakup, tinatanaw ni Ryan ang magandang pakikitungo sa kanya ng mga magulang ni Paula–even to this day.
Ang diperensya lang, magkaiba daw ang paniniwala nila pagdating sa marriage.
Taong 2023 nang maging sina Ryan at Paula.
They were engaged in 2024.
Balak pa nga ng couple na magkaroon ng kasal sa South Korea bukod sa bansa supposedly this year.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

