No to chin augmentation.
Ito ang madiing deklarasyon ni Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan Windorsky.
Iniisyu kasi kay Bea ang kanyang baba–na nakakahawig daw kay Ai Ai de las Alas.
Sorry, but Bea is least affected.
Keber daw kung bansagan siyang “Babalina beauty”–such feature ay minana daw niya sa kanyang ina’t lola.
Sa kabila nito’y hindi sumagi sa isip ni Bea na pabawasan ito.
More than her chin, mas lutang ang husay sa pagsasalita at talino ng kinatawan ng La Union.
And looks like, mangangabog siya sa Miss Universe na gaganapin sa Puerto Rico.
Nakaka-frustrate nga lang, na kung sino pa ang mga dapat sumuporta kay Bea lalo na ang kanyang mismong mga kababayan ang namba-bash sa kanya.
Sige, Bea, prove them all wrong!
Aabangan namin ang pagpapakitang-gilas mo sa MU.
Who knows, you may be the Philippines’ fifth Miss Universe!
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

