Matinding kinuwestiyon ni Senador Erwin Tulfo ang pag-atake ng Iran sa isang barkong na may lulan na 24 tripulanteng Pinoy sa kabila na may safe passage, nitong Mayo 5.
Sa pahayag, sinabi ni Tulfo, chairman ng Senate committee on foreign relations na kanyang ipatatawag ang Iran consulate sa pag-atake sa isang Maltese-flagged container na dumaan sa Strait of Hormuz kamakailan.
Pito ang sugatan kung saan tatlo naman ang malubha sa pag-atake ng isang drone, na pinaghihinalaan na galing sa Iran, sa nasabing container ship.
“Gusto sana natin marinig ang dahilan kung bakit inatake ng Iran ang naturang barko gayong may unawaan naman tayo at ang bansang Iran last month na papayagan maglayag sa Strait of Hormuz ang mga barko na may Filipino seafarers,” ani ni Sen. Tulfo.
Dagdag pa ni Tulfo, “I will ask DFA Sec. Tess Lazaro to ask the Iranian Embassy here kung valid pa ba yung promise nila na hindi gagalawin Pinoy seaman na dumadaan sa Strait of Hormuz.”
Anang mambabatas, “Thankful naman tayo sa Republic of Iran na due to that agreement last month, over 1,000 Filipino seafarers ang ligtas nang nakadaan sa nasabing karagatan.”
Ayon pa sa senador dahil sa nasabing insidente noong May 5, maraming mga Pinoy seaman ang stranded ngayon sa Strait of Hormuz.
Nangako naman si Sec. Lazaro na makikipagpulong kay Iranian Ambassador to the Philippines Yousef Esmaeilzadeh ngayong linggo upang alamin kung active pa rin ang kasunduan na “safe passage” para sa mga Fiipino seafarers sa Strait of Hormuz.
“We need a clear answer from the Iranian government kung okay at safe pa rin ba ang mga Pinoy seaman dumaan sa Strait of Hormuz o hindi na, para maabisuhan natin ang ating mga seamen,” paliwanag ni Tulfo.
Muling nanawagan si Sen. Tulfo sa lahat ng partido sa sigalot sa Middle East na umpisahan muli ang isang dayalogo tungo para sa katahimikan sa naturang lugar.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman

