Napabayaan umano ng mga ospital sa Maynila ang dahilan umano kaya hindi na nadugtungan pa ang buhay ng isang beteranong radio reporter ng DZRH na si Misael ‘Boy’ Gonzales.
Ayon sa pamilya ni Gonzales na labis din ang hinagpis at panggagalaiting nararamdaman sa sinapit ni Gonzales nang pinagpasa-pasahan ng mga ospital ang pasyente.
Sumakabilang buhay si Gonzales 6:11 umaga ng Lunes sa Manila Medical Center sa edad na 67 dahil sa stroke. Isang Manila beat reporter si Gonzales.
Ayon pa sa pamilya, pang-apat na ospital na itong pinagdalhan kay Gonzales nang makaramdam ng hilo at hirap sa paghinga.
Sinabi ng pamangkin ni Gonzales na si Florelim Mariano na kasama ng pasyente sa buong huling araw nitong pagpapalipat-lipat ng ospital na tila umano napabayaan ang kanilang mahal sa buhay.
Unang dinala sa Ospital ng Tondo bago magtanghali ng Linggo nang sumama ang pakiramdam ni Gonzales.
Inilipat sa Justice Jose Abad Santos dahil kailangan umano na i-CT Scan pero kailangan pa ring alisin dahil wala umanong operator sa nabanggit na makina.
Mula sa naturang dalawang ospital, dinala si Gonzales sa Jose Reyes Memorial Medical Center 7:30 ng gabi nitong Linggo kung saan pinaghintay pa ng limang oras sa hallway na wala man lamang ginagawa.
Bukod dito sa halip na tulungan sila sa gitna ng sitwasyon na emergency, nakarinig pa sila ng hindi maganda mula sa pamunuan ng ospital.
Sa kupad ng proseso at awa sa sitwasyon ng pasyente, nagpasya ang pamilya na ilipat na lamang sa pribadong ospital ng Manila Medical Center nguni’t huli na ang lahat dahil hindi na rin naisalba pa ng mga doktor.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman

