Pitong Pilipinong seafarer ang nasugatan matapos tamaan ng umano’y Iranian drone attack ang Maltese-flagged container ship na CMA CGM San Antonio noong Martes, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, lahat ng Pilipinong tripulante ay nakaligtas sa insidente ngunit nagtamo ng mga sugat at kasalukuyang ginagamot sa ospital.
“All seafarers are okay. They are alive. They survived the attack,” ani Cacdac.
Dagdag pa niya, apat sa mga ito ang may minor injuries habang tatlo ang mas malubha ang kondisyon at masusing minomonitor.
Naganap ang insidente habang dumadaan ang barko sa Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta ng mga barkong pangkalakalan na dati nang naaapektuhan ng tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.
Ayon sa DMW, ang barko ay nakarehistrong Maltese-flagged container vessel, taliwas sa ilang ulat na nagsasabing ito ay French ship.
Inilipat na sa mga ospital ang mga seafarer para sa paggamot, at patuloy na minomonitor ng mga opisyal ng Philippine embassy at labor attaché ang kanilang kalagayan.
====
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman

