Ipinakita ni Nadine Lustre ang kanyang natural na ganda matapos niyang mag-post ng fresh at no-makeup selfie sa kanyang Instagram Story.
Sa larawan, makikitang basang-basa pa ang buhok ng aktres na tila kakalabas lang sa dagat, habang kitang-kita ang fresh at effortless niyang aura kahit walang kolorete sa mukha.
Marami ang humanga sa kumpiyansa ni Nadine na ipakita ang kanyang tunay na itsura, bagay na bihira umanong gawin ng ibang artista sa showbiz.
Sa kabila ng pagiging aktibo sa industriya, nananatiling simple at relaxed ang kanyang dating online, na lalo pang minahal ng fans.
Sa ngayon, nasa Siargao si Nadine para sa taping ng kanyang upcoming project, kung saan patuloy niyang ipinapakita ang kanyang laidback lifestyle.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

