Hindi na pinalampas ni AC Bonifacio ang sunod-sunod na batikos sa kanya mula sa ilang fans ng BTS.
Umingay ang isyu matapos siyang makita sa isang BTS pop-up event sa Glorietta na may early access—isang bagay na ikinainis ng ibang Pinoy ARMYs na hindi nakakuha ng slot.
Dahil dito, inakusahan siyang ginagamit lang umano ang pagiging fan para makalamang at magkaroon ng special treatment.
Sa kanyang pahayag, diretsahan niyang nilinaw na trabaho ang dahilan ng kanyang presence sa event at wala siyang ginamit na koneksyon para makapasok.
“I was hired for the event to work. I did not use any ‘connections’ to get a pass,” ani AC.
Dagdag pa niya, matagal na siyang fan ng BTS at nagsimula pa noong 2017, at hindi raw niya kailangang patunayan pa ang kanyang pagiging ARMY sa kahit sino.
“I’ve been ARMY since 2017… I don’t feel the need to prove myself as a fan,” sey pa niya.
Sinagot din niya ang usapin tungkol sa pag-tag niya kina Jungkook at J-Hope, na ayon sa kanya ay posible lang dahil naka-follow ang mga ito sa kanya—hindi dahil sa “papansin” o favoritism.
“I also hope we can move past the ‘finollow lang kasi ni J-Hope at Jungkook’ and ‘ngayon lang naging fan’ narrative, because those simply aren’t true. The tagging on my TikTiks are becoming an issue for no reason. The boys specifically have settings set on their accounts that you cannot tag them unless they follow you. I thought this was common knowledge. During my ‘Hooligan’ TikTok , only Jungkook was following me. J-Hope then followed AFTER that TikTok. Which is why he is now tagged on my ‘2.0’ TikTok . Can’t tag V because he doesn’t follow me. Thats it. Simple. Walang ‘bias n’ya kasi,’ ‘papansin s’ya,’ [at]‘ARMY pero isa lang kilala’??? lol pls. I may not have been there from the very beginning, but I made the effort to go back, learn their story, and understand everything that made BTS who they are today. Whether you’re a fan from 2014 or even 2026, we should all be celebrating that ARMY is growing,” pahayag pa niya.
Sa huli, panawagan niya sa fandom: tigilan ang pag-aaway at sa halip ay magkaisa sa pagmamahal sa BTS.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman

