Naitala ang pinakamababang lebel ng ani ng palay mula noong 2019, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Naitala ang output na 4.4 milyong metriko tonelada sa unang quarter ng 2026, mababa ng 6.2 percent mula sa 4.7 milyong metriko tonelada sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ito na ang pinakamababang output level mual 2019 sa 4.41 milyon.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), kakaunti na lamang ang itinatanim na palay ng mga magsasaka dahil sa mababang farm-gate prices sa nakaraang crop season.
Nakaapekto rin ang hindi paborableng kondisyon ng panahon sa productivity ng mga magsasaka ng palay noong nakaraang taon, ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa.
“Most of the harvested crops in the first quarter were planted during late 2025, when a series of typhoons brought heavy rains and flooding to major rice-growing areas, including Cagayan Valley and Western Visayas, damaging standing crops and limiting production potential,” saad sa pahayag ng DA.
Nakaranas din ng planting delay ang nasa 40,000 ektarya na sinisilbihan ng Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems sa Nueva Ecija dahil sa pinsala sa irrigation systems.
“This issue has since been resolved, and the output will be added to the second quarter,” ani De Mesa.
Samantala, sinabi ng PSA na ang area harvested ay umabot sa 1.08 milyong ektarya noong Enero hanggang Marso, mas mababa ng 5.6 percent sa nakaraang taon.
Sa kabila ng mababang first-quarter production, inaasahan ng DA ang malakas na ani sa mga susunod na buwan dahil sa pagbuti ng presyo ng palay.
“Many farmers decided not to plant last season because they were still recovering from losses when palay prices were between P10 and P12 per kilo,” pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
“This harvest season, we are seeing prices improve to P22 to P27 per kilo, and we hope this continues so farmers are encouraged to plant more for the next season,” pagtatapos nito.

Share.