BAGO pa ang pagsirit ng presyo ng langis bunsod ng labanan sa Gitnang Silangan, labis na ang pag-aalala ng mga Filipino sa kung paano makokontrol ang pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin at serbisyo at umento sa sahod ng mga manggagawa.
Ito ang lumabas sa resulta ng survey ng OCTA Research, iinalabas araw ng Biyernes.
Makikita sa Tugon ng Masa survey, isinagawa mula Marso 19 hanggang 25 na ang inflation ay ‘top urgent national concern’ ng 45% ng mga Filipino, sinundan ng umento sa sahod (33%), graft and corruption sa gobyerno (26%), at access sa abot-kayang pagkain gaya ng bigas, gulay at karne (24%).
Kabilang sa iba pang kapansin-pansing alalahanin ng mga ito ay ang pagbabawas ng kahirapan(20%) at pagbibigay ng libreng dekalidad na edukasyon (17%).
Sinabi ng Octa Research na ang findings ay sumasalamin sa kondisyon ng sambahayan bago pa ang ganap na inflationary effects sa presyo ng langis na iniuugnay sa labanan sa Gitnang Silangan.
“The March 2026 results may be best understood as a pre-shock baseline—capturing public sentiment before higher fuel, transport, and food costs began exerting broader pressure on household welfare, purchasing power, and food security,” ang sinabi ng Octa Research.
Idinagdag pa nito na ang atensyon ng publiko sa tumataas na presyo ay malaganap sa mga pangunahing lugar at socioeconomic classes.
“Inflation is highest in the Visayas (54%) and Mindanao (51%), indicating particularly strong cost-of-living pressure outside the capital. By socioeconomic class, this pressure is strongest among Class E (56%) and Class ABC (54%), compared to Class D (41%), suggesting that inflation is being felt across income groups, but most sharply among the poor and the urban middle class,” ang sinabi pa rin ni Octa Research.
Sa month-ahead inflation forecast nito, ipinalabas araw ng Huwebes, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang inflation rate ay mapipirmi sa 5.6% hanggang 6.4% ngayong buwan, mas mabilis kaysa sa 4.1% rate na nakita noong Marso.
Ang forecast range na nakita ng Bangko Sentral ay para i-overshoot ang 2% hanggang 4% threshold ng gobyerno.
Ang projected figures ay huling nakita noong 2022 at 2023 nang ang presyo ng langis at fertilizer ay umakyat kasunod ng outbreak ng Russia-Ukraine war.
Samantala, ang manatiling malusog at pag-iwas sa sakit ay nananatiling ‘most urgent personal concern’ ng 67% ng mga Filipino, sinundan ng mayroong sapat na pagkain sa araw-araw (46%), mayroong secure at well-paying job o source of income (42%), may kakayanan na magkaroon ng ipon (41%), at makatapos ng pag-aaral o mapag-aral ang mga anak (39%).
Sinundan naman ang mga ito ng pag-iwas na maging biktima ng serious crime (33%) at magkaroon ng sariling bahay at lupa (32%).
Sinabi pa ng Octa Research makikita pa rin sa resulta ng survey ang long-standing pattern sa sentimyento ng publiko, kung saan ang kalusugan ang ‘most immediate at consistently’ prayoridad na alalahanin ng mga Filipino households.
Tinuran pa rin ng Octa Research na sa buong mga pangunahing lugar socioeconomic classes, ang kalusugan ang nananatiling ‘top personal priority’, binigyang diin ang central place nito sa day-to-day household concerns. Ang iba pang major personal concerns ay nakasentro sa mga pangunahing pangangailangan at household security.
Samantala, ang non-commissioned survey ay mayroong 1,200 respondents, may edad na 18 at pataas, kapuwa lalaki at babae, sa pamamagitan ng face-to-face interviews.
Ang survey ay mayroong ±3% margin of error na may 95% confidence level. Tinatantiya ang Subnational para sa geographic areas na sakop ng survey ay mayroong margins of error na ±6% para sa NCR, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao, na may 95% confidence level.

Share.