Sinabi ng Department of Science and Technology (DOST) na makatutulong ang solar-powered irrigation system upang mabawasan ang gastos ng mga magsasaka sa gitna ng tumataas na presyo ng fuel.
Ayon kay Science Secretary Renato Solidum Jr., puwedeng ipalit ang solar irrigation sa karaniwang diesel o grid electricity para sa patubig sa sakahan.
Ipinakilala niya ang “mobile solar irrigation trailer unit” na may kasamang pump at foldable solar panels na maaaring hilahin at ilipat sa iba’t ibang palayan o taniman ng gulay.
“Yung bago nating ginawa is a mobile solar irrigation trailer unit na kung saan nandoon iyong pump and solar panels na puwede mong maitupi at puwede mong hilahin papunta sa iba’t ibang palayan o pananim ng mga gulay,” sabi ni Solidum.
Dagdag niya, mas mura ito kumpara sa milyon na halaga ng tradisyunal na sistema at gumagamit ng libreng enerhiya mula sa araw, kaya walang gastos sa diesel o kuryente.
Ayon sa DOST, may technical support at monitoring mula sa ahensya at sa Nueva Ecija University of Science and Technology.
Noong 2025, naipakalat na ang 14 units sa mga farmer cooperatives sa Bulacan, Pampanga, Aurora, Nueva Ecija, at Tarlac, at positibo ang feedback ng mga magsasaka sa Central Luzon.
Plano ring palawakin ang proyekto sa iba pang rehiyon sa tulong ng LGUs at farmer groups.
Sinabi rin ni Solidum na puwedeng ilipat-lipat ang unit gamit ang tractor o kahit hired equipment, kaya hindi na kailangang bumili ng hiwalay na solar pump ang bawat magsasaka.
Bukod dito, gumagawa rin ang DOST ng iba pang teknolohiya tulad ng solar-powered charging systems para sa electric vehicles, kabilang ang electric tricycles at jeepneys.
“Kadalasan iyong mga charging units po ay de-kuryente po iyan pero kung gagawin natin na hybrid na puwedeng solar, puwede nating mai-charge iyong mga baterya ng electric vehicle nang libre,” sabi niya.
Layunin din ng ahensya na makipag-ugnayan sa mga LGU para magtayo ng solar charging stations upang hikayatin ang paglipat sa electric vehicles at bawasan ang dependency sa imported fuel.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman

