Dumidistansya muna si Kapamilya actress Elisse Joson sa pakikipagrelasyon dahil mas wais na raw siya ngayon kumpara dati.
Sinabi ni Elisse na kinakailangan umano ng tamang tao at panahon para makapasok sa isang relasyon.
“It takes the right person and the right timing to get into another relationship,” saad ni Elisse.
Dagdag pa niya, “Siyempre mas wiser ka na ngayon, and for me, I have a kid to consider. ‘’Yon ang pinakaimportante, ‘yon ang priority.”
Kinumpirma ni Elisse noong Hulyo 2025 na tapos na ang relasyon nila ng long-time partner niyang si McCoy De Leon, na ama rin ng kaniyang anak.
Minsan na rin napaulat ang hiwalayan nilang dalawa, nguni’t noong 2023 ay lumutang din kalaunan ang kuwento na muli silang nagkabalikan.
Matatandaang nagsimula ang kanilang romantic relationship noong 2016 kung kailan naging housemate sila pareho sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7. “
Trending
- Thunder di na kayang tumingin ng malayo
- Oscar Schmidt pumanaw na
- Vice Ganda, nag-ayuda ng P5K sa mga tsuper
- Mark Herras, e-exit na sa showbiz?
- Elisse Joson, ‘di pa bet magjowa
- DTI inilunsad P2B transport loan para sa mga operator, driver
- PBBM nagpalabas ng EO na nagsususpinde sa excise tax sa LPG, kerosene
- Toll-free passage ng mga trak ng gulay galing Benguet, aprub kay PBBM

