Inaasahang ipatutupad na ngayong buwan ng Abril ng Department of Agriculture (DA) ang price cap sa imported na bigas.
Sinabi ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel, napansin nitong masyadong mataas ang presyo ng imported rice sa merkado kaya kailangan itong makontrol.
Naglalaro ito sa P55 hanggang P57 na dapat ay P48 lang kung kaya maglalatag ng price cap na P50.
Maliban sa mataas na presyo, nagkakaroon na rin aniya ng profiteering sa naturang klase ng bigas.
“Mataas na e, ‘yung presyo ng bigas, lalo na ‘yung imported rice. Nakakakita na ako ng profiteering talaga e. Kaya kailangang gawin, as soon as possible, ‘yung price cap at P50. Hopefully, at the end of the month (April), may price cap na tayo for imported rice,” ani Tiu Laurel.
Inihayag niya ito nang magsagawa ng roll out para sa P20 na bigas ang DA kasama ang Makati LGU at MMDA na inaasahang magiging available rin sa ilang pamilihan sa buong Makati.
Trending
- Malnutrition sa mga bata pipigilan ng NEDAC
- Madriaga ‘di na ipapatawag ng Kamara
- ‘Di pagpapamartsa sa graduation dahil may utang ipagbawal
- Toll discount sa mga pribadong sasakyan iminungkahi
- Defensor kinumpirmang ‘plan B’ si Baste Duterte sa 2028 elections
- Suplay ng langis extended sa 64 araw
- Price cap sa imported na bigas ngayon Abril
- Jake Paul balik sa boxing

