Target ng Kamara na mailabas ang mga panukalang batas na tumutugon sa pagresolba sa tumataas na presyo ng langis, sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo 4.
Pinangungunahan ito ng Legislative Energy Action Development (LEAD) Council, na binubuo ng 13 komite, upang pagsamahin ang agarang solusyon at pangmatagalang reporma sa gitna ng krisis sa enerhiya.
Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, patuloy ang mga pagdinig kahit naka-break ang Kongreso upang matiyak na may konkretong hakbang na agad pagbalik ng sesyon.
“Sa first week of May, meron na kaming nabuong batas na tutugon sa urgent needs natin,” ani Quimbo.
Kabilang sa mga isinusulong na hakbang ang pagbibigay ng insentibo para sa electric vehicles (EVs) at iba pang sustainable transport options, pati na ang pag-engganyo sa pribadong sektor na mamuhunan sa mga alternatibo sa fossil fuel.
Layunin din ng panukala na mabawasan ang pagiging bulnerable ng bansa sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa Kamara, pagsasabayin ng mga hakbang ang short-term relief para sa publiko at long-term solutions para sa mas matatag na energy sector.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

