Sugatan ang isang babae na naglalakad nang mabagsakan ng bakal mula sa isang constructuction site sa Quintin Paredes Street sa Binondo, Maynila.
Sa ulat, naglalakad sa bangketa ang biktima na tinatayang nasa edad 20 pataas nang biglang may mahulog na isang mahabang tubong bakal at nabagsakan sa ulo.
Ayon sa isang guwardiya ng isang establisyimento na nakasaksi sa pangyayari, nagulat na lamang siya nang biglang may kumalabog at nakita ang biktima na tinamaan.
Aniya, malaki ang naging sugat ng biktima sa noo dahil bumuka aniya ito at nagsisigaw ng tulong.
Bagama’t mayroon namang nakalagay na safety net para sa failing debris nahulog pa rin ito at nakadisgrasya.
Agad namang may rumespondeng ambulansya at dinala sa ospital ang biktima.
Dumating din ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at opisyal ng barangay para sa kaukulang imbestigasyon.
Hindi pa malaman ang pagkakakilanlan ng biktima dahil naglalakad lamang umano ito nang mangyari ang insidente.
Trending
- Ateneo , nag-sorry sa pamilya ng nasawing athletes
- Cebu City napiling host ng FIBA Women’s Asia Cup 2027, official logo inilabas na
- Pagkilala kina Eala, Obiena, at Yulo, inihain sa Senado
- Suntay, Topacio masisibak sa pagka-abogado sa Anne Curtis ‘nag-init’ isyu
- Resto inireklamo sa ‘dog meat’ menu
- Drug dealer patay sa police ops
- 2 stude sugatan sa rambulan
- Tennis academy itatayo sa CamSur Uptown

