Bumagsak ang mga debris ng missile mula sa pag-atake ng Iran malapit sa Church of the Holy Sepulchre sa Jerusalem, isa sa pinakabanal na lugar doon, na pinaniniwalaang lugar kung saan ipinako sa krus, inilibing at muling nabuhay si Jesus Christ.
Ayon sa pahayag ng Israel Ministry of Foreign Affairs, ang mga piraso ng missile ay bumagsak din sa iba pang sagradong lugar tulad ng Armenian Patriarchate, Jewish Quarter at Temple Mount malapit sa Al-Aqsa Mosque.
Kinondena ng pamahalaan ng Israel ang insidente at iginiit na nalagay sa panganib ang mga banal na lugar at mga mananampalataya ng iba’t ibang relihiyon.
Binigyang-diin naman ni Israeli Foreign Ministry Spokesman Oren Marmorstein na muntik nang mapinsala ang mga pangunahing holy site sa lungsod dahil sa naturang pag-atake.
Nanatiling mataas ang tensiyon sa rehiyon habang patuloy na binabantayan ang kaligtasan ng mga lugar na may malaking kahalagahang panrelihiyon.
“The Iranian regime is targeting the holy sites of Jerusalem. This is a holy site, and the Iranian regime almost destroyed it,” saad niya.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman

