Naispatan sa CCTV ang pagnanakaw ng gasolina ng isang rider mula sa tricycle na nakaparada sa isang kapilya sa Bulacan.
Ayon sa ulat, mistulang tiniktikan ng rider ang pagbaba ng driver mula sa kaniyang tricycle bago nito sinunggaban ang gasolina.
Napag-alamang kaka-full tank lang daw sana ng driver sa kaniyang tricycle dahil ginagamit niya ito pangsundo at panghatid sa kaniyang anak.
Mapapanood sa CCTV ang paglapit ng suspek na may dala-dalang puting container. Bigla siyang sumakay sa loob ng tricycle at pagbaba niya ay muli siyang sumakay sa motorsiklo niya at dali-daling umalis.
Doon na nakita na may laman at halos mapuno na ang white container na dala ng suspek.
Samantala, ayon sa biktima, minabuti na lamang daw niya na hindi magsampa ng kakukulang reklamo laban sa suspek at bagkus ay ipinakalat na lang niya sa social media ang kopya ng naturang CCTV footage kaugnay ng pagnanakaw sa kaniya ng suspek.

Share.