Ninakawan ng lahat ng kanyang bagahe ang isang overseas Filipino worker (OFW) na kakauwi lamang mula sa Dubai sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa isang post sa Facebook ng uploader na si Mj Seller, ibinahagi nito na nabiktima ng pagnanakaw ang kanyang babaeng kapatid sa NAIA Terminal 3 noong Marso 19.
May isang lalaki umano ang lumapit sa OFW, nagkunwaring kapwa biyahero, at nakipagkaibigan pa sa biktima.
Nagbantayan naman umano sila ng gamit nguni’t nang magbanyo ang biktima at bumalik matapos ang tatlong minuto, natangay na ang kanyang mga bagahe.
Kabilang umano sa mga ninakaw ng suspek ang alahas at mahahalagang dokumento ng OFW.
Ayon sa pamilya, huli na nang masuri ang CCTV at wala pang pagkakakilanlan sa suspek.
Pinaniniwalaan namang planado ang insidente at may iba pang kahalintulad na kaso, kaya nagbabala ang pamilya sa mga biyahero na mag-ingat sa mga estranghero.
“Lesson learned don’t talk to stranger, mas mabuti pa maging praning kesa magtiwala,” saad ng kapatid ng biktima.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

