BULACAN NGAYON. Himalang nakaligtas sa kamatayan ang isang dating konsehal matapos barilin ng dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo sa Santa Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon.
Sa ulat na nakalap mula kay PLt. Colonel Voltaire Rivera, hepe ng Santa Maria Municipal Police Station (MPS), ang biktima ay kinilalang si Rogelio Barcial y Germar, 79-anyos, at residente ng No.303 Brgy. Mag-asawang Sapa, Santa Maria.
Ayon sa ulat, sa pagitan ng alas-5:30 hanggang alas-6:00 ng hapon, habang binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Brgy. Caysio sa Santa Maria pauwi ay nakasalubong niya ang isang single motorcycle na may sakay na dalawang suspek.
Nang mapalapit ang motorsiklo sa tabi ng sasakyan ng biktima ay bumunot ng baril ang backrider at pinaputukan siya na tumama sa kanyang kanang balikat.
Kahit sugatan ay nagawang magmaniobra ng biktima pabalik at dinala ang sarili sa Mendoza Hospital sa Brgy. Poblacion, Santa Maria at pagkatapos ay inilipat sa Rogaciano Mercado Memorial Hospital ng Santa Maria Rescue Team para sa karagdagang paggamot.
Napag-alaman sa ulat na tumakas ang mga suspek matapos ang insidente samantalang nang matanggap, agad na rumesponde ang mga elemento ng Santa Maria MPS sa lugar ng insidente upang magsagawa ng imbestigasyon.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang fired cartridge case para sa kalibre 9 mm habang patuloy namang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Santa Maria MPS para mahanap at matukoy ang mga suspek.(Dell Gravador)
Trending
- Typhoon Ada, walang pasok ngayon
- Mga Kaso ni Zaldy Co hiwa-hiwalay lilitisin ng Sandiganbayan
- CIVIL-MILITARY JUNTA : IBINUNYAG NI LACSON
- All-Japan : Nikoy Lining pasok sa Round of 32
- All-Japan : NikoyLining pasok sa Round of 32
- ICC : HATOL KAY DIGONG SA NOB. 28, 2025
- BERSAMIN; PANGANDAMAN OUT; RECTO, TOLEDO IN
- Kaso ni Digong sa ICC nakasalalak

