PORMAL na makipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau National Capital Region (DENR-EMB NCR) at Therma Mobile, Inc. (TMO), isang subsidiary ng Aboitiz Power, upang i-rehabilitate at protektahan ang isang bahagi ng Navotas River sa ilalim ng Adopt-an-Estero/Waterbody Program.
Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang Memorandum of Agreement (MOA) kasama si DENR-EMB NCR Regional Director-in-Charge Engr. Divina C. Camarao at AboitizPower AVP for Corporate Services Engr. Lou Jason Deligencia na sinaksihan ng mga barangay officials at community stakeholders.
Sakop ng kasunduan ang isang one-kilometer stretch ng Navotas River na tumatawid sa Barangays NBBS Dagat-dagatan at NBBS Kaunlaran, na dumadaloy sa Manila Bay. Sinusuportahan ng pagsisikap na ito ang patuloy na mandamus ng Supreme Court para sa rehabilitasyon at pagpapanumbalik ng bay at mga sanga nito.
Sa ilalim ng MOA, nangako ang pamahalaang lungsod na mahigpit na ipatupad ang environmental laws tulad ng Clean Water Act, Ecological Solid Waste Management Act, at Toxic Substances and Hazardous Waste Control Act.
Pangungunahan din ng lungsod ang tree-planting, greening initiatives, at community mobilization activities habang nagtatrabaho para ilipat ang mga informal settlers na nasa tabing ilog.
Bilang bahahi ng corporate social responsibility nito, ang TMO ay magsasagawa ng buwanang bioremediation activities at extend support para sa cleanup drives, greening projects, at public awareness campaigns.
Hinimok din ni Mayor Tiangco ang iba pang kumpanya sa lungsod at kalapit na lugar na makiisa at lumahok sa mga katulad na environmental programs.
Trending
- Bacolod Masskara Chess sa Oktubre
- Dableo squad naghari Inter-Barangay Chess
- ILLEGAL GAMBLING, DRUGS :LIMA NALAMBAT
- PADUA HARI SA MARIKINA RAPID CHESS
- Alex Eala angat sa mundo
- NAVOTAS, ABOITIZ, DENR PARA SA REHABILITASYON NG ILOG
- NHA BENEFICIARIES LAS PIÑAS INAYUDAHAN
- PARAÑAQUE:TRANSPARENCY SA BUDGET ISINULONG