ANIM sa 91 buto mula sa Taal Lake posibleng tao, isasailalim sa DNA testing upang matukoy kung sino biktima ang nagmama-may-ari nito.
Kinumpirma kahapon ng Philippine National Police (PNP) Forensic Group na anim lamang sa 91 piraso ng buto na narekober mula sa Taal Lake ang pinaghihinalaang mula sa tao, at prayoridad na ngayong isailalim sa DNA testing.
Ayon kay Lt. Col. Edmar dela Torre, officer-in-charge ng DNA laboratory division, inaayos pa ng kanilang team ang mga buto upang maihiwalay ang mga hindi-tao sa mga posibleng labi ng tao.
Pinakamalaking hamon sa imbestigasyon ay ang kondisyon ng mga buto.
Batay sa testimonya ng mga saksi, maaaring nakalubog ang mga ito sa tubig ng hanggang apat na taon.
“Kung ganoon nga, magiging napakahirap para sa amin na makakuha ng maayos na DNA profile,” ani Dela Torre.
Dagdag pa niya, ang matagal na pagkababad sa tubig, lalo na kung may sulfur compounds gaya ng sa Taal Lake, ay lalong sumisira sa biological material.
Sa kabila ng hamon, ipinagpapatuloy pa rin ng PNP Forensic Group ang pagsusuri upang matukoy kung maaari pang makuha ang DNA profile.
“Anuman ang kondisyon, susuriin pa rin namin. Gusto naming maging bukas sa publiko. Ilalabas namin ang resulta, kahit hindi kami makakuha ng DNA,” ani Dela Torre.
Ipinaliwanag din niya na ang proseso ng disaster victim identification ay gumagamit ng iba’t ibang disiplina tulad ng:Medico-legal examination; Odontology (pag-aaral ng ngipin) at DNA testing.
Bukod sa mga buto, sinusuri rin ang mga narekober na gamit tulad ng damit at personal na kagamitan bilang bahagi ng proseso ng pagkakakilanlan.
Trending
- Bacolod Masskara Chess sa Oktubre
- Dableo squad naghari Inter-Barangay Chess
- ILLEGAL GAMBLING, DRUGS :LIMA NALAMBAT
- PADUA HARI SA MARIKINA RAPID CHESS
- Alex Eala angat sa mundo
- NAVOTAS, ABOITIZ, DENR PARA SA REHABILITASYON NG ILOG
- NHA BENEFICIARIES LAS PIÑAS INAYUDAHAN
- PARAÑAQUE:TRANSPARENCY SA BUDGET ISINULONG