Epektibo na ang ₱50 Dagdag-Sahod sa Metro Manila ngayong Hulyo 18.
Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na ngayong Biyernes, Hulyo 18, ay opisyal nang ipinatutupad ang ₱50 dagdag sa arawang minimum wage sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa DOLE sa isang Facebook post:
“Simula ngayong araw, 18 Hulyo 2025, ang mga minimum wage earner sa NCR ay makakatanggap ng ₱50 dagdag-sahod kada araw sa ilalim ng Wage Order No. NCR-26—na nagtataas ng minimum wage sa ₱695 para sa non-agriculture sector at ₱658 para sa sektor ng agrikultura, retail/service, at maliliit na pabrika.”
Para sa mga may limang araw na trabaho kada linggo: tinatayang ₱1,100 dagdag kita kada buwan.
Para sa mga may anim na araw na trabaho kada linggo: tinatayang ₱1,300 dagdag kita kada buwan.
Ayon sa DOLE, ang bagong sahod ay magbibigay ng buwanang take-home pay na nasa pagitan ng ₱15,247 hanggang ₱18,216, depende sa bilang ng araw ng trabaho kada linggo.
Malugod ang pagtanggap sa dagdag, ngunit iginiit na hindi pa rin ito sapat upang matugunan ang tunay na “living wage.”

Share.