Panalo ang De La Salle University laban sa University of Sto. Tomas sa kanilang Final 4 game sa UAAP Season 87 women’s volleyball.

Nakabalik sa championship stage ang DLSU Lady Spikers matapos talunin ang UST Gold Tigresses sa score na 25-22, 11-25, 25-21.

Ginanap ang kanilang laban sa harap ng higit 11,000 manonood nitong Sabado, Mayo 3, sa Araneta Coliseum, Quezon City.
Makakaharap naman ng La Salle ang NU Lady Bulldogs sa UAAP Finals.

Share.