Nagsalpukan ang isang Philippine-flagged tugboat na M/Tug Sadong 33 at ang Panamanian-flagged MV Universe Kiza sa karagatan ng Maasim, Sarangani nitong Martes, Marso 25, 2025.
Nasawi ang kapitan ng tugboat at natagpuan ang kanyang katawan sa lugar ng insidente, nguni’t hindi pa inilalabas ang kanyang pagkakakilanlan.
Iniimbestigahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sanhi ng banggaan.
Anim sa walong crew ng M/Tug Sadong 33 ang nailigtas at nasa maayos na kondisyon, habang isa pa ang nawawala.
Nagpadala na ng search and rescue team ang PCG. Hindi pa natutukoy ang kalagayan ng mga tripulante ng MV Universe Kiza, ngunit tiniyak ng PCG na walang naganap na oil spill.
Trending
- Typhoon Ada, walang pasok ngayon
- Mga Kaso ni Zaldy Co hiwa-hiwalay lilitisin ng Sandiganbayan
- CIVIL-MILITARY JUNTA : IBINUNYAG NI LACSON
- All-Japan : Nikoy Lining pasok sa Round of 32
- All-Japan : NikoyLining pasok sa Round of 32
- ICC : HATOL KAY DIGONG SA NOB. 28, 2025
- BERSAMIN; PANGANDAMAN OUT; RECTO, TOLEDO IN
- Kaso ni Digong sa ICC nakasalalak

