Swak sa kulungan sng tatlong drug personalities kabilang ang 61-anyos na lolo ang kalaboso nang mahuli sa aktong sumisinghot umano ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat ni SDEU investigator PSSg Alfredo Mendoza III kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, nagsasagawa ng ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Sub-Station 5 sa Sagip St., Brgy., Arkong Bato nang maaktuhan nila ang family driver na si alyas “Jose” na bumabatak umano ng shabu sa loob ng isang bahay alas-4 ng Martes ng hapon.

Nilapitan siya nina PSMS Israel Gutierrez at Pat Joshua Miguel Capiral saka inaresto.

Nauna rito, alas-2:20 ng madaling araw nang matimbog naman nina PCpl Andrae Flavin at PCpl Renz Mario Manalad, kapwa ng Police Sub-Station 6 si alyas “Argel”, 33, makaraang maaktuhang sumisinghot umano ng droga sa loob ng isang abandonadong bahay sa C. Santiago St., Brgy., Dalandanan.

Habang huli din sa akto nina PCpl Chester Montana at Pat Ericson Bulahao, kapwa ng Police Sub-Station 1 ang 26-anyos na helper na si alyas “Jeric” na gumagamit din umano ng droga sa loob ng BGG bus terminal sa Brgy. Paso De Blas dakong alas-11 ng gabi.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong plastic sachets na may laman ng bahid ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias na gagamitin ng pulisya na ebidensya para sa pagsasampa sa kanila ng kasong paglabag sa Sections 12 at 15 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Roger Panizal)

 

Share.