KAILANGAN munang mag-apply ng parole sina Cedric Lee at Deniece Cornejo bago sila tuluyang makalaya, ayon kay

Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang nitong Miyerkules

Una nang nagpalabas ng kautusan ang Court of Appeals (CA) na nagbaba ng kaso nina Lee at Cornejo mula sa serious illegal detention, kung saan nahatulan sila ng reclusion perpetua, patungong grave coercion, na may parusang anim na buwan hanggang tatlong taon, anim na buwan, at 21 araw, na katumbas ng maari nang makalaya.

Sinabi ni BuCor director Catapang na kahit binago ang sentensya, may isa pang kaso ng grace coercion ang dapat pagsilbihan ng dalawa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public forum, sinabi ni Catapang na hindi maaaring pagsabayin nina Cornejo at Lee ang pag-serve sa dalawa nilang sentensya.

“Sa unang kaso na na-file, three months to six months na lang yung kanilang minimum na ise-serve. Pero sa isang kaso naman, na hindi pa na-areglo o wala pa ring Entry of Judgment na natatanggap kami ay… maximum sentence to be served ay three years and six months,”ani Catapang nan ire-recompute pa at sa pagtaya niya ay aabot pa ng 4 na taon.

Ipo-forward umano ang papeles ng dalawa sa Board of Pardon at kailangang dumaan sa tamang proseso.

Sina Lee, Cornejo at iba pang akusado ay pinatawan ng sentensya ng Taguig court dahil sa inihaing kaso ng actor na si Vhong Navarro. (Gina Garcia)

 

Share.