May nakaka-touch na mensahe ng suporta si NBA star Jordan Clarkson kay Alex Eala matapos ang pag-eksit nito sa Round 3 ng US Open.
Sa kanyang X (dating Twitter) account, ipinarating ni Clarkson ang espesyal na mensahe para kay Alex matapos itong talunin ni Iva Jovic sa Round 3 ngayong Linggo ng umaga (Manila time).
“Queen Eala forever!” ayon kay Clarkson.
“Keep doing great things!!! I’m proud, everybody is proud of you, twin!!! Keep going,” pagsuporta pa ni Clarkson kay Eala.
Sina Eala at Clarkson ay unang nagkita at nagkakilala nang bumisita ang NBA player kay Alex sa US Open kung saan napag-usapan nila ang pagiging Filipino.
=====
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

