Inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na higit 583,000 military and uniformed personnel (MUP) ang nakatakdang makatanggap ng karagdagang 5% sa kanilang base pay sa 2027.
Batay sa pahayag ng DBM sa kanilang Facebook page nitong Sabado, Setyembre 5, isasama ang karagdagang 5% sa ₱350 daily subsistence allowance ng MUP.
Saad pa ng DBM, sa ilalim ng proposed 2027 National Budget, ₱73.67 bilyon ang inilaan sa subsistence requirement ng MUP, kabilang dito ang pondo para sa mas mataas na sweldo, karagdagang personnel, healthcare at iba pang benepisyo, at mas pinalakas na equipment at kapasidad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Mula sa ₱73.67 bilyong panukalang budget para sa 2027, ipinaliwanag ng DBM na ipinapanukalang makatanggap ng ₱316.71 bilyon ang AFP, na 6.85% mas mataas mula sa kanilang 2026 budget.
Ang proposed budget na ito ay nakatakda ring makapaglaan ng ₱50 bilyon para sa Revised AFP Modernization Program, na ₱10 bilyong mas mataas sa ₱40 bilyong appropriation ngayong 2026.
Binanggit din ng DBM na ang PNP ay nakatakdang makatanggap ng ₱242.53 bilyon mula sa kabuoang ₱73.67 bilyong proposed budget, na mas mataas sa ₱226.55 bilyong budget ng ahensya ngayong 2026.
Ani DBM, ang ₱242.53 bilyon ay ilalaan sa Personnel Services.
Kabilang pa rito ang ₱100.55 bilyon para sa adjusted base pay at ₱28.67 bilyon para naman sa ₱350 daily subsistence allowance ng 224,421 PNP personnel.
Ipinaliwanag pa ng DBM na ang panukalang budget ay makapaglalaan ng ₱697.18 milyon para sa pagtanggap ng 2,000 karagdagang patrolmen at patrolwomen.
Bukod pa rito, ang ₱2.186 bilyon ay para naman sa filling ng kasalukuyang bakanteng mga posisyon sa ahensya.
Healthcare at mga karagdagang suporta para sa kapulisan at kanilang pamilya
Binanggit din ng DBM na tinatayang ₱1.74 bilyon ang ipinapanukala nila para sa rice subsidy habang ₱280.67 milyon ay ilalaan sa hospitalization at healthcare ng mga PNP personnel at kanilang dependents.
Habang ₱125.11 naman ang ipinapanukala para sa Bantay Kaisipan Health Program.
Saad din ng ahensya, kabilang sa panukalang budget ang ₱2 bilyon para sa PNP Capability Enhancement Program, na para sa mobility, communications, firepower, at anti-terrorism equipment.
Mayroon ding ilalaang ₱3.12 bilyon para sa Information and Communications Technology (ICT) at ₱1.499 bilyon naman para sa infrastructure projects.
=====
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

