Ipinorma ni Senior Citizens party-list Rep. Ompong Ordanes ang isang panukalang batas na naglalayong bigyan ng awtomatikong relief sa toll fees ang mga motorista na maaapektuhan ng pagbaha sa mga expressway.
Bukod sa pagbaha tulad ng naranasan ng mga motorista sa North Luzon Expressway (NLEX) nang manalasa ang habagat na naging dahilan ng matinding pagbaha sa Pampanga, kasama din sa toll relief kung magkaroon ng aberya sa biyahe sa mga expressway dahil sa aksidente, nagkaroon ng matinding pinsala sa expressway at iba pang kadahilanan.
Sa panukala ni Ordanes, kasama sa iminungkahi nitong toll relief ang libreng pagdaan sa mga expressway, pagbawas sa toll fees at reimbursement kung saan otomatikong ibalik ang bayad sa kinalsan sa FRID ng mga motorista.
Nakasaad sa panukala na ang Toll Regulatory Board ang magtatakda ng patakaran na ipapatupad sa lahat ng toll operators.
“The important thing is that motorists should not have to wait for a separate government directive every time a major disruption happens,” ayon sa mambabatas.
Sinabi ng mambabatas na lubha nitong ikinabahala ang matinding trapik na nakanasan ng mga motorista sa NLEX kamakalawa lalo na sa mga matatanda na maraming pangangailangan tulad ng gamot.
“Being stranded for hours on an expressway is difficult for anyone, but it can be especially hard on older persons who may need food, water, medicine, a restroom, or immediate medical attention,” ani Ordanes.
Dahil dito, kasama aniya sa panukala na kailangang magdeploy ang mga toll operators ng mga road side at emergency assistance kapag nagkaroong milyang-milyang trapiko sa mga expressway.
Layon aniya ng panukala na masiguro na may tulong na matatanggap ang Senior citizens, persons with disabilities, mga bata, buntis at nangangailangan ng medical attention habang sila ay naiipit sa trapik.
“Toll operators must also help stranded motorists reach safe exits, service areas, rest areas, and other safe locations whenever practicable Operators that deliberately refuse or fail to provide the required toll relief may face administrative sanctions. Improperly collected tolls must also be refunded or credited,” anang mambabatas.
======
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

