Patay ang isang babaeng motorcycle rider matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang delivery truck sa Antero Soriano Highway, Barangay Bacao 2, General Trias City, Cavite.
Batay sa paunang ulat ng pulisya, nangyari ang aksidente dakong alas-2:25 ng hapon habang kapwa binabagtas ng motorsiklo at delivery truck ng softdrinks ang naturang highway.
Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang rider at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo.
Agad na humingi ng tulong ang mga residenteng nakasaksi sa insidente at iniulat ito sa mga awtoridad.
Gayunman, idineklarang patay ang biktima sa lugar at hindi na naihatid sa ospital.
Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang eksaktong dahilan ng banggaan at ang mga pangyayaring humantong sa aksidente.
=====
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

