Umabot sa 85 sako ng basura ang nakolekta ng Departement of Environment and Public Services (DEPS) sa isinagawang clean up drive matapos ang ilang araw na sunod-sunod na pag-ulan.
Partikular sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Manila Bay kung saan inanod lamang ang mga ito sa dalampasigan.
Bukod dito, agad rin nilinis at hinakot at kinolekta ang mga basurang inanod sa pampang ng Baseco Beach, Port Area.
Agad na inaalis ng mga kawani ng DEPS Manila ang mga naipong basura upang mapanatili ang malinis at maaliwalas na baybayin.
Patuloy ang pagsasagawa ng mga cleanup activity sa mga nabanggit na lugar upang mapanatili ang kalinisan ng baybayin.(Jocelyn Domenden)
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

