Nasagip ang pitong pasahero, kabilang ang apat na senior citizen, nang lumubog ang isang motorbanca sa katubigang nasa pagitan ng Barangay Tilmobo, Pres. Carlos P. Garcia, Bohol at Barangay Guadalupe, Maasin City, Southern Leyte, noong Biyernes.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado, agad naglunsad ng search and rescue operation ang Coast Guard Sub Station Pres. Carlos P. Garcia sa koordinasyon sa Task Force Kalikupan nang matanggap ang ulat ng insidente.
Inilipat sa rescue vessel ng lokal na pamahalaan ang apat na senior citizen, habang ligtas ding nadala sa baybayin ng Barangay Tilmobo ang tatlong iba pang pasahero.
Kalaunan, dinala ang mga nasagip na senior citizen sa Pitogo Port at itinurn-over sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para sa kaukulang tulong.Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
