Arestado ang anim na katao sa isang operasyon laban sa pagnanakaw ng langis sa San Pablo City, Laguna.
Ayon sa ulat, pinangunahan ng Regional Mobile Force Battalion 4A – Technical Support Company at 402nd Maneuver Company ang operasyon sa loob ng hotel at resort sa Brgy. San Antonio 1 dakong 8:00 ng umaga nitong Miyerkoles.
Sa pamamagitan ng paggamit ng drone, nadiskubre ng mga awtoridad ang mga suspek sa akto ng pag-siphon, short-selling, at hoarding ng petroleum products.
Nasamsam sa operasyon ang isang orange oil tanker na nagkakahalaga ng P2 milyon, ganoon din ang nasa 8,800 na litro ng gasolina, 900 liters ng CME, limang electric pump, 21 na 25-liter container, at iba pang kagamitan, na may kabuuang halagang P3,513,050.
Dalawa sa mga suspek ang nasugatan nang tumalon mula sa tanker at dinala sa ospital.
Patuloy na iniimbestigahan ng PNP ang kaso at ipinapaalala sa publiko na ang pagnanakaw ng langis, na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng PD 1865.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
