Nakaranas ng ‘danger’ level na heat index sa 10 lugar sa bansa nitong Huwebes, Hunyo 4.
Ayon sa PAGASA, mararamdaman ang pinakamataas na heat index na 49°C sa Infanta, Quezon habang 44°C naman sa Roxas City, Capiz.
Mararanasan naman ang 43°C sa Alabat, Quezon City; Cuyo, Palawan; BIA-Daraga, Albay; at Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Aabot naman sa 42°C ang heat index sa Tuguegarao City, Cagayan; Mambusao, Capiz; Borongan, Eastern Samar; at Guiuan, Eastern Samar
Ang heat index na nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C ay nasa kategoryang ‘danger’ na mapanganib sa kalusugan na posibleng magdulot ng heat cramps, heat stress, at heat exhaustion, ayon sa PAGASA.

Share.