Arestado sa isinagawang buy-bust operation ng Norzagaray Pulis ang apat katao sa Sitio Matandang Barrio Brgy. Bitungol, Lunes ng gabi, Marso 23 2026.
Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director The Hunter PCol. Angel Garcillano, kinilala ang mga suspek na sina alyas Gani, alyas Pulong, alyas Bogart at alyas Chito, kapwa nasa hustong gulang residente sa Pasay at Makati City.
Sa report, 11:30 ng gabi nang isagawa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip ng apat.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang caliber .45 COLT MK IV Series 80 na may serial number 271907 na may tatlong (3) bala, 11 plastic sachet na may 14 gramo ng shabu na tinatayang P95, 200.00 at isang Honda BR-V na ginagamit umano sa pagbebenta ng illegal na droga.
Samantala, kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isasampa laban sa kanila.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman
