Tatlong suspek sa isang pamamaril na ikinasawi ng isang lalaki sa Jaen, Nueva Ecija ang naaresto ng mga awtoridad sa loob lamang ng 24 oras matapos ang insidente.
Ayon sa ulat, naganap ang pamamaril dakong alas-8:52 ng umaga noong Agosto 20, 2026 sa harap ng isang fast food chain sa Barangay Don Mariano Marcos, Jaen. 
 

Sa imbestigasyon ng Jaen Municipal Police Station, lumalabas na planado ang krimen at nag-ugat sa lumang alitan ng biktima at ng kanyang dating katrabaho matapos umano itong masibak dahil sa kanilang pagtatalo.

Dahil sa galit, napag-alamang umupa ng hitman ang babae at binayaran ang dalawa nitong kasabwat ng kabuuang P29,500 upang itumba ang biktima.
Nabatid na P13,000 ang ibinayad sa drayber ng getaway motorcycle, habang ang natitirang halaga ay napunta sa gunman na bumili pa umano ng revolver sa halagang  P2,000 para gamitin sa pamamaril.
Ayon sa imbestigasyon, nilapitan ng gunman ang 35-anyos na biktima na isang utility worker at matapos ang maikling pag-uusap ay ilang beses itong binaril bago tumakas sakay ng motorsiklo kasama ang isa pang suspek.
Sa follow-up operation ng pinagsanib na puwersa ng Jaen Municipal Police Station at iba pang police units, unang naaresto ang driver ng getaway motorcycle at narekober ang isang pulang Honda TMX 125 na may plakang 465WWX.
Ito na rin ang nagturo sa kinalalagyan ng babaeng mastermind, habang huling naaresto ang gunman sa Barangay Valdefuente, Cabanatuan City.(Danilo Gravador)

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

Share.