Inanunsiyo ng transport group na Manibela na muli silang magkakasa ng transport strike simula Lunes, Agosto 10 hanggang 12.Radyo
Ayon kay Manibela chairperson Mar Valbuena, itutuloy nila ang tatlong araw na tigil-pasada sakaling hindi aprubahan ang kanilang kahilingan para sa provisional fare increase.
Sinabi ni Valbuena na humihirit sila ng P2 na pansamantalang taas pasahe habang kasalukuyan pang sumasailalim sa deliberasyon ang kanilang petisyon.
Giit niya, patuloy na pinapasan ng mga tsuper at opereytor ng dyip ang pasakit na dulot ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
Kaya’t ang karagdagan aniyang P2 na taas pasahe kung nagkataon ay magbibigay ng P200 na ekstrang kita para sa mga tsuper na may mahahabang biyahe, bagamat ipinunto rin niyang hindi ito sapat para mapunan ang kanilang gastusin sa pamamasada.
Nauna naman nang sinabi ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) na irerekomenda nito sa Department of Transportation ang isang interim fare hike at diskwento sa mga produktong petrolyo para sa mga tsuper at operator ng pampublikong sasakyan kasunod ng pagdinig sa mga petisyon ng transport groups.
Samantala, umapela naman ng pang-unawa ang Manibela president sa mga komyuter sa planong tigil pasada, na aniya’y “last resort” na nila dahil marami na aniyang tsuper ng dyip ang tumigil sa pamamasada dahil sa tumataas na presyo ng langis.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

