Umakyat na sa 27 ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong gusali sa Angeles City, Pampanga matapos marekober ang dalawa pang bangkay nitong Miyerkules ng gabi, Hunyo 3, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Central Luzon.
Ang ika-26 biktima ay nakuha mula sa guho bandang 6:40 ng gabi, habang ang ika-27 casualty ay narekober naman 7:10 ng gabi.
Bago nito ay narekober naman ang ika-25 biktima sa gumuhong gusali bandang 3:45 ng hapon.
Nauna nang nasagip ng mga awtoridad ang 27 iba pang indibidwal mula sa gumuhong istruktura.
Karamihan sa mga biktima na na-trap sa ilalim ng gumuhong steel at konkreto ay mga construction worker.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

