Arestado ang dalawang kapulisan dahil sa pagbebenta ng mga iligal at hindi lisensyadong mga baril sa lungsod ng Caloocan.
Ikinasa ang buy-bust operation ng Caloocan City PNP laban sa mga suspek na may ranggong Police Staff Sergeant at Police Master Sergeant.
Kapwa nakatalaga ang mga naarestong suspek sa Caloocan City Police Station.
Naganap ang pag-aresto sa dalawa 5:30 ng umaga nitong Agosto 6 kung saan isang sibilyan ang nagpanggap na bibili ng baril.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang 9mm na baril na inisyu ng Philippine National Police (PNP, isang calibre 38 revolver, 12-gauge shotgun, mga bala, marked money, dalawang cellphone at dalawang motorsiklo.
Nasa kustodiya na ng Caloocan City Police Station ang mga naarestong susepk at inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
