Nasawi ang dalawang 4-anyos na lalaking mag-pinsan nang maglaro at makulong sa loob ng nakaparadang sasakyan noong Miyerkules ng tanghali, sa Bgy. Barretto, Olongapo City.
Sa imbestigasyon ng Olongapo City Police Station 6, kasamang naglalaro ng dalawa ang iba pa nilang pinsan nang humiwalay sila.
Nakuhanan sa CCTV ang kusang pagpasok sa kotse ng dalawang biktima.
Makalipas ang tatlong oras, natagpuan ang mga biktima na wala nang malay. Patay na nang maabutan ang isa, habang naisugod pa sa ospital ang isa pang biktima, pero binawian din ng buhay.
Pinaniniwalaang nasawi ang dalawa dahil sa matinding init at kawalan ng hangin o suffocation.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

