Nasawi ang dalawang lalaki, kabilang ang isang 15-anyos na estudyante, ang nasawi sa pamamaril sa Purok Jasmine, Barangay Domoit, Lucena City nitong Lunes ng gabi, Setyembre 7.
Kinilala ang mga biktima na isang 26-anyos na negosyante at ang menor de edad na biktima na kapwa residente ng Barangay Market View.
Sa ulat, 11:00 ng gabi, nangunguha umano ng gagamba ang dalawang biktima kasama ang apat nilang kasamahan nang biglang magpaputok ng shotgun ang suspek.
Tinamaan ang dalawang biktima na agad nasawi, habang nakatakas naman ang apat nilang kasama nang makarinig ng mga putok.
Arestado ng mga pulis ang 38-anyos na suspek na isang farm manager at residente ng Barangay Domoit, at narekober din ang umano’y ginamit na shotgun at dalawang basyo ng bala sa lugar.
Inihahanda ang pagsasampa ng two counts ng kasong pagpaslang laban sa suspek.
Patuloy ang imbestigasyon ng Lucena City Police Station at inaalam ang motibo ng pamamaril.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

