Patay ang 36-anyos na vendor at 17-anyos niyang kasama nang araruhin ng fuel tanker ang kanilang food cart sa boulevard ng Valladolid, Negros Occidental nitong Linggo, July 5.
Batay sa imbestigasyon ng Valladolid Police, nasawi ang may-ari ng cart na si Ramilie nang mabangga ng truck, habang namatay naman sa ospital ang menor de edad na kasama niyang si Hannah dahil sa tinamong pinsala sa ulo. Halos madurog ang food cart dahil sa lakas ng impact.
Ayon sa pulisya, hindi umano nakontrol ng driver ng fuel tanker na kinilalang si Dionesio ang sasakyan dahil sa mechanical trouble.
Nahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
Labis namang nagdadalamhati ang ina ni Hannah na si Gigi, na nagsabing walang anumang halaga ang makatutumbas sa buhay ng kaniyang anak.
Pansamantala namang ipinagbawal ng mga awtoridad ang pagtitinda at iba pang economic activities sa bahagi ng boulevard sa Valladolid kung saan nangyari ang insidente.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

