Naaresto ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang katao nang maaktuhan nagsasagawa ng illegal na pag-lipat o paihi ng petroleum product sa isinagawang operation sa Cauayan City, Isabela.
Ayon kay MGen Robert Morico II, Dirctor CIDG ang dalawang naaresto kinilala sa alias Dan at alias Jane na kapwa legal age.
Sinabi ni Morico na isinagawa ang operasyon ng CIDG Isabela Provincial Field Unit sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.
Aniya, inaresto ang dalawang suspek nang mabigong magpakita ng mga kaukulang permit at mga dokumento.
Narekober ang 1 improvised fuel tanker truck at van na naglalaman ng disesel fuel na nagkakahalaga ng P1,518,800.00.
Nasa kustodiya ng CIDG Isabela ang dalawang naaresto at nakaktakdang sampahan ng kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 33, it is illegal to sell or distribute petroleum products for profit without the necessary license or authority from the proper authorities; at Presidential Decree 1865 (Illegal Trading in Petroleum Products).
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
