Naaresto ang dalawang illegal recruiter ng mga elemento Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isinagawang operation sa Santiago City, Isabela.
Ang naarestong mga suspek na isang lalaki at babae sa aktong tumatanggap ng processing fee mula sa ilang mga aplikante ng trabaho mula sa Ireland at Netherland.
Ayon kay MGen Robert AA Morico II, Director ng CIDG, 10:00 ng magsagawa ng operation ang CIDG Isabela Provincial Field Unit at the Department of Migrant Workers (DMW) ng Region 2 sa Brgy Rizal, Santiago City.
Nagsasagawa ang dalawang suspek ng recruitment ng mga caregivers, nurse at dairy farmer at apple picker na may shahod na 3,200 euros 0 P 200,000 at pangakong agarang trabaho sa bansang Irelenad at Netherland. Sinisingil ang mga aplikante ng P75,000,00 para processing fee.
Nabatid na walang kaukulang licesnse o authority ang mga suspek na mag-recruit o deploy ng Overseas worker mula sa Department of Migrant Worker.
Nasa kustodiya ng CIDG Isabela Provincial Field Unit ang mga naturang suspek habang sumasailalim sa imbestigasyon at paghaharap ng kasong paglabg sa Republic Act No. 8042 (The Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995) in Brgy. Rizal, Santiago City, Isabela.

