Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho o unemployed noong buwan ng Abril 2026.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes, naitala ang 2.41 milyon na bilang ng walang trabaho, mas mababa sa 2.58 milyon noong Marso.
Dahil dito, bumaba rin ang unemployment rate sa 4.7%, ang unang pagkakataon ngayong taon na bumaba ito sa ilalim ng 5%.
Ngunit mas mataas ito kumpara sa 2.06 milyong Pinoy na walang trabaho noong Abril ng nakaraang taon.
Gayunman, tumaas ang bilang ng mga underemployed o mga manggagawang naghahanap ng dagdag na oras o pagkakakitaan.
Naitala na mula 6.03 milyon noong Marso ay naging 7.41 milyon noong Abril, katumbas ng 15.2% ng labor force, ang pinakamataas mula Marso 2022.
Samantala, bahagyang bumaba ang bilang ng mga may trabaho sa 48.89 milyon mula 49.07 milyon, habang umangat naman ang employment rate sa 95.3%.
Bumaba rin ang labor force participation rate sa 62.7%, katumbas ng 51.3 milyong Pilipino na kabilang sa labor force.
Trending
- Pagpapalit sa PrimeWater bilang water provider sa SJDM pinigil ng korte
- 2.41M jobless Pinoy noong Abril
- Padilla oks maimbestigahan sa pagtulong kay Bato
- Giit ni Cayetano, may dalawa nang Senado: PH vs Malakanyang
- Power-sharing ni Cayetano, tinabla ni Gatchalian: ‘Unlikely’
- Llover, Casimero dumating na sa Japan
- Serena Williams sabik na sumabak muli sa tennis
- Gary V, may dasal sa Senado
