Aabot sa 18 barko ng China ang namataan sa ilang bahagi ng West Philippine Sea mula Agosto 4 hanggang 10, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay AFP spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad nitong Martes, kasama rito ang mga barko ng China Coast Guard (CCG) at People’s Liberation Army Navy (PLAN).
Kabilang dito ang walong CCG sa Ayungin Shoal at isang PLAN at pitong CCG Bajo de Masinloc.
Gayundin ang isang CCG sa Escoda Shoal, at isa pa sa Pag-asa Islands.
Noong Hulyo, naitala ng AFP ang na-monitor na 48 Chinese vessel sa West Philippine Sea.
====
